'Di malaman kung ano ang gagawin
Sa damdamin na 'di ko maamin
Sa sarili
Kung bakit ka pa ba nandiyan

Sabi-sabi ng mga kaibigan ko
Huwag mong pilitin ang 'di para sa 'yo
Ngunit bakit hindi kita malimutan
Sa 'yo ba'y ok lang

Chorus
Habang tumatagal, lumalala, laging nagwawala
Tumitindi, umiinit, sumasakit ang dibdib
Kaya ako'y gumawa ng awiting ito na alay ko sa 'yo
At sana'y pakinggan mo

Huwag ka sanang magugulat sa akin
'Di ako sanay sa ganitong suliranin
Huwag kang matakot hindi ako manloloko
Kung ok lang sa 'yo

[Repeat chorus]

Ngayong alam mo na, sana'y 'di ka mainis
At pasensya na kung ako ay makulit
Pero kung gusto mo, ako na lang ang lalayo
Kung ok lang sa 'yo

[Repeat chorus twice]

Kung ok lang sa 'yo
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Kung Okey Lang Sayo Lyrics

True Faith – Kung Okey Lang Sayo Lyrics