Mayroon siyang estilong kanya lamang
Ang kanyang pagkababae ang dinadahilan
Pagsubok sa pag-ibig walang katapusan
Di naman daw nagdududa, naniniguro lang

[Chorus:]
Ewan ko bang kahit ganyan siya
Minamahal ko siya, wala nang hahanapin pa
Kahit ano'ng sabihin ng iba, minamahal ko siya
Wala nang hahanapin pa

Di raw nagseselos ngunit nagbibilang
Ng oras 'pag ako'y ginagabi
At biglang maamo 'pag may kailangan
Pag nakuha na ikaw ay itatabi

[Repeat Chorus]

Di magpapatalo pag mayroong alitan
Di aamin ng mali, magbabagong-isip lang

Oooh

Ewan ko ba ngunit kahit ganyan siya
Minamahal ko siya, wala nang hahanapin pa
Kahit ano'ng sabihin ng iba, sinasamba ko siya
Minamahal ko pa, walang kaduda-duda
Wala nang hahanapin pa (wala nang hahanapin pa)
Wala nang...
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Wala Nang Hahanapin Pa Lyrics

True Faith – Wala Nang Hahanapin Pa Lyrics