Kung may tanging hiling
Sana di nagising
Sa umagang kay dilim

Sayang ang pinagsamahan
Di alam kung malilimutan
Sugat ay kay lalim

Naniniwala pa
Na tayo'y liligaya
Basta...

Chorus:
Pangako mo
Ako'y ilalayo
Sa delubyong naranasan
Nitong pagod na puso
Pangako mo
Iingatan ako
Isusulat panibagong
Yugto sa ating kuwento

Sana di mabigo
Tuparin ang 'yong pangako
Sugat maghihilom rin

Nadinig ba 'king hiling
Bukas ako'y magigising
Sa liwanag ng ating pag-ibig

Naniniwala pa
Mapagwawagian nating dal'wa
Basta

Pangako mo
Ako'y ilalayo
Sa delubyong naranasan
Nitong pagod na puso
Pangako mo
Iingatan ako
Isusulat panibagong
Yugto sa ating kuwento

Pangako mo
Ingatan mo
Ang puso ko

Isulat mo
Bagong yugto
Pag-asa mo
Pag-ibig ko
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Pangako Lyrics

True Faith – Pangako Lyrics