Nasaan ka na, nasaan ka na o giliw ko?
Nariyan lang ba, malapit o malayo?
At kung di ka makita ay ramdam ka pa rin.
Araw gabi, lagi kitang kapiling.

Larawang nakasabit sa may harapan,
Nakaraang hinding-hindi malilimutan,
Napaluha ako at napangiti din,
Araw gabi lagi kitang kapiling.

Kahit di kita nakausap man lang,
Nang gabi na ikaw ay lumisan,
Alam na alam, ko namang nandirito ka lang.

Tinig nating di nawawala sa aking pandinig,
Awit na likha ng ating pag-ibig,
At buong gabi inaawit ko hanggang ako'y maidlip,
Araw gabi lagi kitang kapiling.

At sa isang gabi na tila malaya,
Nawala kang bigla nang walang paalam,
Alam ko na nakamit mo rin ang kapayapaan.

Himig nating di nawawala sa aking pandinig,
Awit na likha ng ating pag-ibig,
Lalalalalala,lalalala,lalalalala,lalalala

Nasaan ka na, nasaan ka na o giliw ko?
Nariyan lang ba, malapit o malayo?
At kung di ka makita ay ramdam ka pa rin.
Araw gabi, lagi kitang kapiling.
Araw gabi, lagi kitang kapiling.
Araw gabi, lagi kitang kapiling.
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Araw Gabi Lyrics

True Faith – Araw Gabi Lyrics