'Di ko maintindihan
Bakit tila ang bilis ng araw
Buong araw ko'y nauubos sa isang minuto
Gising ako ngayon pero ako'y tulog

Gusto pa kitang kasama
Pero humahadlang naman ang tadhana
Kung pwede lang na ikaw ay isama
Malabo nga lang na plano 'yon 'di ba?

'Wag kang mag-alala
Isang tawag mo lang sa akin
Nariyan ako
Papawiin ang bawat luha mo
'Wag kang mangangamba dahil

CHORUS:
Darating ako
Sa pinakamabilis na oras
Darating ako
Kung kailangan mo ako
Darating ako
Sa ayaw at sa gusto mo
Magkikita pa rin tayo
Magkikita pa rin tayo

Maghintay ka lamang
Pumikit ka lang sa langit
Sa isang iglap ikaw ay mananaginip
'Di kita iiwan kahit pa hindi ka mahawakan

Nandirito lang ako
Sa bawat sulok ng iyong mundo
Pasensya na kung hindi ako magtatagal
Babalik na lang ako sa susunod na ika'y luluha

[PRE-CHORUS]
[CHORUS]

'Wag kang mag-alala
Isang tawag mo lang sa akin
Nariyan ako
Papawiin ang bawat luha mo
Tahan na o giliw
'Wag ka nang ('Wag ka nang) mangangamba

[CHORUS]

'Wag kang mag-alala.
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Sa Kabilang Buhay (Darating Ako) Lyrics

Artificial October – Sa Kabilang Buhay (Darating Ako) Lyrics