'Wag kang magpapakapagod
'Wag ka rin namang magpapagutom
Magbaon ka ng payong
Tuwing umuulan

Umuwi ka ng maaga
Hangga't maaari lang naman yan sana
'Wag ka ding uuwi ng mag-isa

Kung nariyan lang ako
Gagawin ang lahat para sa iyo
Pero kahit ganito man tayo
Maaari bang

Mag-iingat ka
Mula umaga
Hanggang sa pagtulog mo sinta
Malayo man ako'y ikaw ang
Laman ng panalangin
Mahal kita

Magpunas ka ng pawis mo
Tumingin palagi sa dinadaanan mo
Iwas disgrasya lang
Ayaw kitang mapahamak

Sana'y manatili kang nakangiti
Sa bawat araw na darating
'Wag kang luluha

Kung nariyan lang ako
Gagawin ang lahat para sa iyo
Pero kahit ganito man tayo
Maaari bang

Mag-iingat ka
Mula umaga
Hanggang sa pagtulog mo sinta
Malayo man ako'y ikaw ang
Laman ng panalangin
Mahal kita

Mahal kita

Mag-iingat ka
Mula umaga
Hanggang sa pagtulog mo sinta
Malayo man ako'y ikaw ang
Laman ng panalangin
Mahal kita

Mag-iingat ka
Mula umaga
Hanggang sa pagtulog mo sinta
Malayo man ako'y ikaw ang
Laman ng panalangin
Laman ng panalangin
Laman ng panalangin ko
Ay ikaw
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Mag-Iingat Ka Lyrics

Artificial October – Mag-Iingat Ka Lyrics