Natapos na ang kahapon
Lumipas na ang panahon
Ang bawat tao'y tumatanda
Bukas ay dedo na

Bagong cellphone, bukas sira na
Bagong maong, bukas kupas na
Bagong sapatos napupudpod din ang swelas

Masarap na cake mamaya'y ubos na
Ice cream man yan, mamaya'y lusaw na
Walang tumatagal lahat ay kumukupas

Pero...

Tanging tayo lang ang walang katapusan
Walang panlaban sa atin ang kamatayan
Milyong bagyo mang dumaan
Wala akong katatakutan
Wala na 'kong hahanapin pa
Hangga't kasama kita

Bagong kanta bukas laos na
Maging kultura'y nabubura
Iba't ibang mukha na lang
Sa bawat araw

Bulsa man ay nabubutas
Wallet ko ay nawawala
Walang tumatagal
Lahat ay kumukupas

Pero...

Tanging tayo lang ang walang katapusan
Walang panlaban sa atin ang kamatayan
Milyong bagyo mang dumaan
Wala akong katatakutan
Wala na 'kong hahanapin pa
Hangga't kasama kita

Oras ay lumilipas
Rosas ay nalalanta
Pag-ibig ko'y walang hanggan
Sayo lamang nilalaan
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Walang Katapusan Lyrics

Artificial October – Walang Katapusan Lyrics