Di ko pwedeng, sakay sa jeepney
Sobrang usok at sikip
Pag nasa sine, di mayakap
Laging merong sabit
Ganyan ang syota ko
Sobrang class ang kanyang trip

Pag kakwento niya ang nanay niya
Siya'y nag-lispanis
Pag kausap niya ay aso
Laging nag-linglis
Ako'y naiinis na
Sa aking syotang burgis
(Ang syota kong burgis minsan nang-iinis)

Refrain
Kahit ganyan siya, ako'y nagtsatsaga
Pagkat mga pare ko, minamahal ko siya
Sa aking barkada, akong pinakasiga
Ngunit bumabait pag kasama ko sya

(instrumental)

Sa pagkain, siya'y pihikan
Di lang burger machine
Ang sundo niya sa eskwela
Laging naka-chedeng
Ganyan ang syota ko
Class na class ang kanyang trip

Refrain
Kahit ganyan siya, ako'y nagtsatsaga
Pagkat mga pare ko, minamahal ko siya
Sa aking barkada, akong pinakasiga
Ngunit bumabait pag kasama ko sya

Paminsan-minsan sa kagipitan
Ako'y kanyang nililibre
Susmariusep, kapag humirit
Ako'y natuturete
Ganyan ang syota ko
Hindi maawat ang pagka-class
Ganyan ang syota ko
Hindi maawat ang pagka-class
Hindi maawat ang pagka-class
Hindi maawat ang pagka-class
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Syotang Pa-Class Lyrics

Apo Hiking Society – Syotang Pa-Class Lyrics