Sabi nila na hindi ko raw makakaya
Ang lumapit sa 'yo, mag-isang magpakilala
Sabi nila malakas daw ang aking loob
Sinuswerte daw ba akong
Mag-isip na tayong dalawa ay magmahalan

Tingnan mo ngayon, sino na nga bang nakatawa
'Pag tayo ay naglalakad, o 'di ba, tahimik na lang sila
Sa dami noon na nangligaw sa 'yong poging
Nakapilang baldeng pabling
Sino bang mag-akalang tayo ay magmamahalan, magkatuluyan

Chorus 1
Suntok sa buwan ka lang no'ng araw, tanging irog ko
Sa ganda mo at bait ay hindi ko akalain
Puso ko'y hinagip sa dilim
Karibal ko'y hindi pinansin
Rumimate na lang sa bandang hulihan
Suntok sa buwan, panalo
Akin ka lang

Sabi nila na hindi nga raw tayo bagay
Mapapansin mo lang daw ako kung mawawalan ka ng malay
Sabi nila, kailanga'y isang himala
'Di ka raw madaan sa tiyaga
Tingnan mo kung sino na ang siyang nakatunganga, humahanga

Chorus 2
Suntok sa buwan ka lang no'ng araw, tanging irog ko
Sa ganda mo at bait ay hindi ko akalain
Puso ko'y hinagip sa dilim
Karibal ko'y hindi pinansin
Nakahagod na lang sa bandang hulihan
Suntok sa buwan, panalo
Akin ka lang

Akin ka lang [3x]
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Suntok Sa Buwan Lyrics