Mabuti pa ang unan mo, kasama 'pag gabi
Mabuti pa ang kumot mo, kasiping sa tabi
Sa pag-uwi mo, sila ang 'yong kasama
At sa pagtulog, wala nang iba

'Yan ba nama'y pagseselosan ko pa
Kung maaari lang naman
Ako na lamang sana ang
Maari mong gawin na kumot at unan mo

Mabuti pa'ng panyo mo, may dampi sa 'yong pisngi
At sa tuwing kausap ka'y laging nakangiti
Sa pag-uwi ko, 'yan ang naaalala
At sa pagtulog, wala nang iba

'Yan ba nama'y malilimutan ko pa
Kung maaari lang naman (maari ba naman)
Ako na lamang sana ang (puwede ba naman)
Maari mong gawin na kumot at unan mo

REFRAIN
Pangarap kita kahit papa'no pa kita isipin
Pangarap kita, dinggin mo sana ang aking awitin
Pangarap kita, gawin mo sana akong pangarap mo rin

Mabuti pa ang baso, may tikim ng 'yong halik
Naiinggit ang labi kong laging nananabik
Sa 'king paggising, 'yan ang naaalala
Tuwing umaga, wala nang iba

'Yan ba nama'y maiiwasan ko pa
Kung maaari lang naman (maari ba naman)
Ako na lamang sana ang (puwede ba naman)
Maari mong gawin na kumot at unan mo

Kung maaari lang naman (maari ba naman)
Ikaw na lamang sana ang (puwede ba naman)
Maari kong gawin na kumot at unan mo
Mail  |  Print  |  Vote

Kumot At Unan Lyrics

Apo Hiking Society – Kumot At Unan Lyrics