Parang kailan lang nung ako'y nagsimula pa lang matutong matuto
Maglakad, tumayo, sumabay, lumangoy sa alon ng buhay, ng aking buhay

Say hirap din palang hanapin ang iyong sarili
Sa isang mundong laging nagmamadali
Sa kakahabol ay tuluyan nang napagod at napaupo
Naisip ko nang sumuko

[Refrain]
Dahil nakita nyo na akong sumablay,
Narinig mo na ang puso kong bumigay

[Chorus:]
Hay buhay, hay buhay, hay buhay nga naman

Parang kailan lang nung ako'y huling umibig
At linamon, linason ng kilig

Bawat pangako ng ligaya, sinalubong ng trahedya
Ang habangbuhay, naging babay

[Repeat refrain]

[Repeat chorus]

Parang kailan lang nung ako ay mag isa't nakadapa na, walang wala na
Ako'y natutong magdasal, manalig sa maykapal
At unti–unti, sa aking sarili

Pipilitin kong di na muling sumablay,
At ang puso ko hindi na muling bumigay

[Repeat chorus]
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Hay Buhay Lyrics

Sugarfree – Hay Buhay Lyrics