Kanina pa tayo magkasama
Umaga na pala,
Maya maya lang ay may araw na
Kahit tayo'y pagod, buong mundo ay tulog
Ikaw at ako,
Derederetso lang walang pakialam

Kwentuhan lang wala namang masama
Oh usap lang, ibaon muna sa limot ang lungkot

Tatawa tayo sabay seryoso
Unti unti kang nakikilala,
Ang sarap sarap mo palang kasama
Dati kasi, tahimik ka lang palagi
Ngunit ngayong gabi,
Parang kay rami mo ng sinabi

... Dahil gusto kitang makilala't makasama

Umaga na tulog ka na
Kay himbing mong managinip
Kay sarap sarap mong umidlip
Uwi na kaya ako? O dito muna siguro?
Samahan muna kita
Dahil parang ayaw mong mag-isa

Samahan ka, wala namang masama
Kung samahan ka,
Hanggang lungkot ko'y makatulog din
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Kwentuhan Lyrics

Sugarfree – Kwentuhan Lyrics