Puso'y basang kahoy
Na tila kay lamig
Nang madarang sa ningas
Ng 'yong pag-ibig

Unti-unting natuyo
Ang bawat pagtanggi
Nang matupok lahat kong pagmamalaki

Mukha mo't kabutihan
Ay aking nagisnan
Tiwala ko't pag-ibig
Sa'yo ay laan

Nag-aalab, pag-ibig mo sakin O Diyos
Tanglaw sa gabing mapanglaw
Apoy sa dilim at ginaw

Nag-aalab, pag-ibig mo sakin O Diyos
Biyaya mo'y laging lubos
Araw na di nauupos

Panghahawakan ko, nag-aalab na pag-ibig mo...
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Nag-aalab Lyrics

Musikatha – Nag-aalab Lyrics