Bumuhos ang ulan
Umagos at halos malunod na
Umihip ang hangin
Pinilit na ako ay itumba

Binalot ng dilim ang langit
Kinapos ng liwanag
Pagtitiwala ko'y hindi matitinag

Pangako mo'y aking sandigan
At biyaya mo'y lubos
Ang bisig mo ang kublihan
Hanggang matapos ang unos

Paglipas ng pagod at luha
'Di maaring huminto
Ang pagbukal ng pagsamba sa 'king puso

Chorus:
Tuloy ang awit
Sigaw ng aking pusong nagtagumpay
'Pagkat lakas mo ang taglay
Tuloy ang awit
Tuloy ang daloy at ito'y walang humpay
Ang ilog ng papuri ay
Hindi mapipigil, hindi matutuyo
Tuloy-tuloy ang awit para sa 'yo
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Tuloy Ang Awit Lyrics

Musikatha – Tuloy Ang Awit Lyrics