Verse 1
Habang hindi karapat dapat
Pag-ukulan ng habag at wagas mong pagsinta.
Habang walang kakayanang
Masuklian ka ng mabuti sa lahat mong ginawa.

Pre-Chorus:
Niyakap Mo ako sa aking karumihan.
Inibig Mo ako ng di kayang tumbasan

Chorus:
O Diyos ng katarungan at katuwiran
Na kahit minsa'y di nabahiran
Ang kabanala't kalwalhatian
Salamat sa sukdulang biyaya Mo.

O Diyos ng Pag ibig na mas
Malawak pa kaysa aking mga pagkakasala.
Higit pa sa buhay ko
Salamat sa Sukdulang biyaya Mo.
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Sukdulang Biyaya Lyrics

Musikatha – Sukdulang Biyaya Lyrics