Naaalala ka tangan-tangan kita
Isang munting handog ng maykapal
Mundo ay kay ganda
Katulad ng kanta ng Hele
Sa minamahal

Lumipas man ang kay tagal
Ay hindi pa rin nag-iiba
'Pagkat ako'y nandito lang
Umaasang muli pang pagbigyan

Dahil laging may puwang sa puso ko
Matagal kong pangarap
Magbalik ang paglingap
Laging may puwang sa puso kong hinahanap
Ikaw sa aking piling, anak

Ikaw pa rin ang siyang
Sa puso ko'y kulang
Inaasam pa rin ang pagkakataon
Kung puwede lang naman
Muli pang balikan
Ala-ala ng kahapon

Mula noon hanggang ngayon
Ay hindi pa rin nag-iiba
'Pagkat ako'y nandito lang
Umaasang ulit ang panahon

Dahil laging may puwang sa puso ko
Matagal kong pangarap
Magbalik ang paglingap
Laging may puwang sa puso kong hinahanap
Ikaw sa aking piling, anak

Dahil laging may puwang sa puso ko
Matagal kong pangarap
Magbalik ang paglingap
Laging may puwang sa puso kong hinahanap
Ikaw sa aking piling, anak...
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Puwang Sa Puso Lyrics

Juris Fernandez – Puwang Sa Puso Lyrics