Kahit di mo sabihin
Aking napapansin
Di na kita pipilitin
Dahil di mo naman aaminin

Nagbago ang higpit ng yakap mo
Nagbago rin kung paano mo tawagin ang pangalan ko
Ang halik mo'y nagbago
Di ko alam bakit nagkaganito

Chorus:
Kahit na hindi mo sabihin pa
Nararamdaman kong ayaw mo na
Ayaw mo nang magpatuloy pa
Kahit na sabihing mahal pa kita
Walang magagawa kung ayaw mo na
Paano na
Di ko kayang mag-isa

Kahit di mo sabihin
Damang-dama pa rin
Wala na ang kislap ng yong mata
Tuwing ikaw ay kasama
Wala na ang dating saya
Yakap mo ay kaylamig na
Dating sigla sana'y mag balik pa

Chorus:
Kahit na hindi mo sabihin pa
Nararamdaman kong ayaw mo na
Paano na
Pagkat hindi ko kaya
Ayaw ko ng masaktan
Paanong pipigilang nararamdaman

Chorus:
Kahit na hindi mo sabihin pa
Nararamdaman kong ayaw mo na
Ayaw mo nang magpatuloy pa
Kahit na sabihing mahal pa kita
Walang magagawa kung ayaw mo na
Paano na
Di ko kayang mag-isa

Paano na
Di ko kayang mag-isa
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Kahit Di Mo Sabihin Lyrics