Di ko inaakalang
Darating ka sa buhay ko
At magbibigay saya sa natutulog kong mundo

Di ko inaakalang
Mabibigyan mo ako ng
Inspirasyon para harapin ang bawat araw

Panalangin ko sa mga bituin
Huwag kang lalayo sa akin,
Haharapin natin ang lungkot at saya

Dahil sa'yo
Natutong magbigkas ang labi ko
Dahil sa'yo
Sumasaya ang mga araw ko
Dahil sa'yo
May kaibigan ako na totoo
Dahil sa'yo
Natutong magmahal ang puso ko

Minsan may mga bagay
Na mahirap intindihin
May mga tanong na kailangang sagutin
Lahat ng 'yon hindi mo pinagkait sa akin

Panalangin ko sa mga bituin
Huwag kang lalayo sa akin
Harapin natin ang lungkot at saya

Dahil sa'yo
Natutong magbigkas ang labi ko
Dahil sa'yo
Sumasaya ang mga araw ko
Dahil sa'yo
May kaibigan ako na totoo
Dahil sa'yo
Natutong magmahal ang puso ko

Darating man ang araw
Na kailangan 'kong bumalik sa aking mundo
Isipin mong may kaibigan kang nagmamahal sa'yo

Dahil sa'yo
Natutong magbigkas ang labi ko
Dahil sa'yo
Sumasaya ang mga araw ko
Dahil sa'yo
May kaibigan ako na totoo
Dahil sa'yo
Natutong magmahal ang puso ko
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Dahil Sayo Lyrics

Juris Fernandez – Dahil Sayo Lyrics