(Intro)

Eto mejo cheesy, mejo baduy
May gusto lang akong sabihin sayo
Wag kana magalit sakin, wag kana magselos
Tanggalin mo na yang mga pagdududa mo
Kase sa'yo lang naman ako eh..

(chorus)

Pagkat sa'yo lamang umiikot
Ang aking mundo
Ikaw lamang
Ang iibigin sa buhay ko

(1st stanza)

Alam mo bumaet ako nung makilala kita
Pero bakit ang bawat issue pinalalaki pa
At pag kasama kita, diba putol ang aking sungay
Dahil mahal kang tunay at wala nang iba

Pero ang mga pagdududa mo, hindi na mabawasan
Hindi ko nga alam, kung ano ba ang nagawa
Sanba ko nagkamale, at sa bawat sandale
Nagtataray ka sakin, masungit at kadalasan

Di kumikibo kase nga may tampo ka
Lagi mong iniirapan, at simangot ang muka
Di ko nga iniindaang mga natamong pasa
Mas nasasaktan ako kapag nakita kong basa

Ng luha ang mga mata, hayaan mong punasan ko
Wala sakin ang puso ko, alam mo ba kung nasan to?
Ito'y nasa kamay mo na, kaya ipalagay mo na ang iyong loob
Ako'y sa'yo at yan ang aasahan mo

(chorus)

Pagkat sa'yo lamang
Umiikot ang aking mundo
Ikaw lamang
Ang iibigin sa buhay ko
Ako'y sa'yo lamang aking mahal

(2nd stanza)

Kaya nga ngayon
Unti unti kana lumolobo
Unti unti kang bumibilog
At nagiging mundo ko

Kahit nagpapakaloyal ako't nagpapakumbaba eh
Duda kapa ren na meroon akong babae
Tandaan mo lage, ano man mangyare
Love parin kita, at kahit ka pa tumaba eh

Di kita pagpapalit, ikaw lang ang nagiisa
Magmula nung umpisa, ikaw ay di ko lilisanin
Ang pagibig mo, hindi ko wawasakin
Dahil sa mundo, ikaw lang ang para sa akin

Di paaasahin, ikaw ay iingatan
Ang paiyakin kita yun ang iiwasan
Aking lulunasan, anu man pangamba mo
Lagi lang sa tabi mo, di ka iiwanan

Kung may pagkakataong mabubuhay ulit ako
Gusto ko ikaw parin babaeng makikita ko
Ayoko sa iba at ikaw lamang ang gusto ko
Dahil ako'y para sayo't ikaw lamang ang mundo ko

(repeat chorus)
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Sayo Lamang Lyrics

Dello – Sayo Lamang Lyrics