[Verse:]
Tama ba na magmahal ka sa unang pagkikita lang
Nahulog na agad ang loob sa pagngiti pa lang
Na para bang si dello sa babae ay natitigang
Gabi-gabi ay magkausap kaso sa pc lang
At busy lang ako kapag ikaw na ang ka-chat ko
Sakto, sa akin ay ikaw na ang lahat ko
Ang dami kong babae dati
Ngayon walang masabi
Di ko akalain na ikaw ang katapat ko
Bat ko ba naisipang ika'y titigan
Ngayon damdamin bumugso
Hindi na mapigilan
At di nahihiligan
Pagpuyat ko sa gabi
Para lang makita ka nag-aadik na sa kape
Kung pwede makatabi
Di na ko mapakali
Umaasang bukas ay makakausap ka uli
Para lang sa'yo
Ang lahat iniisang tabi
Inlove na talaga ako
Si kupido kasi

[Verse 2:]
Wala ng inaasam
Basta lang ma'view sa cam
Ang naramdaman ko sa iyo ako'y takam
Na para bang ginigiyang
Sa'yo ako'y hiyang
Kahit na nahihiyang
Sa iyo ipaalam
Na umiibig ako
Sa babaeng nasa pc ko
Alam ko na di easy 'to
Lalo pag na dc 'to
Na disconnect
fuck shit
Ang net kailan babalik
Kaya pati 'tong dsl ko
Ay sisnisi ko
Kasi di ko makakayang
Di kita ma'pc call
Kahit lang sa cellphone,
Landline, easy call
Take it easy tol
Tawag sa pldt tol
Para makapaghabol
Connection maging reachable
Paano kung sira pa shit
Paano kung wala pang net
Ayokong maghintay
Ng ilang mga araw ulit
Maghahanap ako ng comp shop
Kahit isang saglit
Takot kasi ako sa iba mo ko ipagpalit

[Verse 3:]
Nasasabik ako sa'yo
At hindi na ko mapalagay
Dahil pag di kita kausap
Ako'y hindi sanay
Kaya diretso log-in
Pero ng buksan ay
Nakita ko offline message mo
Ito nakalagay
Salamat sa iyo
Na laging matiyagang
Kinakausap ako
Pinapakita mo ang
Kahalagahan ko
Pero sa'tin ay talagang
Walang mangyayari
Kaya hanggang dito na lang
Ako'y napatulala
Napaupo sa sahig
Naluluha ang mata
Ang pawis ko'y malamig
Tibok ng puso nadinig
Ang kamay nanginig
Kahit wala akong kausap bumuka yung bibig
Para maitanong sa sarili bakit ganun
Kala ko nagmamahalan pero bakit ngayon
Bakit iniwan na
Hanggang pc lang ba
Kaya dinamba ko yung cpu
Tatapon ko yun
Pero nagulat na lang
Ako bigla na lang may nagbuzz
Ang kilay kong nakakunot
Bigla kong napataas
Nabasa ko ang mensahe
At ito ang sinasabi
Silip ka sa bintana
Nandito 'ko sa labas
Ako'y napabalikwas
Sabay takbo sa pinto
Tibok ng puso'y bumilis
At ayaw huminto
Halos magbugto
Ang hininga
Kasi ang pangarap ko na
Babae sa computer
Heto kayakap ko na
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Babae Sa Computer Lyrics

Dello – Babae Sa Computer Lyrics