Intro: Chorus
Hindi lahat ng bagay ay mali (3x)
PO-SI-TI-BO
Hindi lahat ng bagay ay mali (3x)
PO-SI-TI-BO

Verse 1:
Isang papel na sinulatan ng kanta
Mga akdang pinagpuyatan na katha
Namamangha habang ako'y namamangka
Gamit ang mga paksa na nakikita sa bansa

Kailangan lang na matignan ng positibo
Iba ang masipag kumpara sa pursigido
Habang isinasalin ko sa baso ang mohito
Iniisip ko kung ano nga bang papel ko rito,
Isang manunulat...

Pero ang buhay ko biglang nagbago lahat
May panahong ako'y ginagato na at
Pinagtitripan noon pero ngayon muli akong aangat
Salamat sa mga kumontra, ngayon halika
Ika'y kabilang ba noong sa mga kontrabida?
Salamat kritiko kahit alam ko na mali ka
Kasi lahat kayo, Positibo kong nakita

Chorus:
Hindi lahat ng bagay ay mali (3x)
PO-SI-TI-BO
Hindi lahat ng bagay ay mali (3x)
PO-SI-TI-BO

Verse 2:
Pasensya na kung di kita pinapatulan
Sa mga awit mo na iyong hinahaluan
Ng pangit na tunong dapat inilulubog
At positibong mga bagay lamang ang pinapalutang
Positive na kumayod kung ikaw ay jobless
Para di ka puro satsat at di ka tackles
Positive vibes good luck at tsaka godbless

Maging positibo ka wag lang drug test
Chill lang para ang buhay mo'y banayad
Hindi naman lahat ay naidadaan sa bayad
Kapag mabunga ang puno ikaw ay naha-high blood
Kaya binabato na parang angry birds sa ipod

Habang ako'y naka-upo lang, cool lang
Iniisip kung pano mapupunan ang kulang
Akala mo babagsak ako, Mali ka
Kasi mga pagsubok positibo kong nakita

Chorus:
Hindi lahat ng bagay ay mali (3x)
PO-SI-TI-BO
Hindi lahat ng bagay ay mali (3x)
PO-SI-TI-BO

Verse 3:
Tunay na makulat ang bawat talambuhay
Pero minsan lakas tama ng parang talampunay
Kahit ang isang paa, Nakaapak ka na sa hukay
Sa pagmamani obra nung obra dapat mahusay

At kung sakaling madapa may galos sa balat
At kung sakaling mangapa nahalo sa lahat
Nang malapitan mo ay puro bangang pabalat
Tandaan mo ang pinoy ay may dugo ng alamat
Basta tama ang galawan, Isipin mo ang tama
Wag kang magmukmok sa kwarto, Silipin ang bintana

Bawat araw ay hatid sayo'ng panibagong umaga
Kahit na merong unos dapat parin tayong tumawa
Ano mang ang kaganapan, ano man ang balita
Ang lahat ng negatibo, alisin mo yan sa diwa
Ituwin ang pagkakataon na nagkamali ka
Para ang iyong buhay positibo mong makita

Outro: Chorus2x
Hindi lahat ng bagay ay mali (3x)
PO-SI-TI-BO
Hindi lahat ng bagay ay mali (3x)
PO-SI-TI-BO
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Positibo Lyrics

Dello – Positibo Lyrics