Inalagaan at minahal kita
Pinangarap at sinamba ko pa
Sinugatan ang puso kong ito
Nang nagkalayo puso'y nagtampo
Di maiwasan na maalala pa
Ang pag-ibig na siyang nagbibigay-sigla
Mga umaga na dati'y kay saya
Ay lumipas na at di na maibabalik pa.

Chorus:
(May pag-ibig pa kaya) Buksan ang puso mo
(Pagkat ika'y mahal) Mahal pa rin hanggang ngayon
(May pag-ibig pa kaya) Kailanma'y maghihintay sa'yo
Umaasa na mahal mo pa rin ako (ooh yeah...)

Mga pangako sa 'yo'y tutuparin
Hindi iibig sa iba kailan pa man
Kahit di na tayo magkatagpo
Iibigin ka kahit na mabigo

Chorus:
(May pag-ibig pa kaya) Buksan ang puso mo
(Pagkat ika'y mahal) Mahal pa rin hanggang ngayon
(May pag-ibig pa kaya) Kailanma'y maghihintay sa'yo
Umaasa na mahal mo pa rin ako
Iniisip na mahal mo rin ako
Woh...

Chorus:
(May pag-ibig pa kaya) Buksan ang puso mo
(Pagkat ika'y mahal) Mahal pa rin hanggang ngayon
(May pag-ibig pa kaya) Kailanma'y maghihintay sa'yo
(Iniisip na mahal mo rin ako)
Mahal na mahal, mahal na mahal
May pag-ibig pa kaya sa puso mo?
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

May Pag-Ibig Pa Kaya? Lyrics

South Border – May Pag-Ibig Pa Kaya? Lyrics