Pagmasdan Ang Ulan, Unti-Unting Pumapatak
Sa Mga Halama't Mga Bulaklak.
Pagmasdan Ang Dilim Unti-Unting Bumabalot
Sa Buong Paligid Tuwing Umuulan.

Kasabay Ng Ulan, Bumubuhos Ang 'yong Ganda
Kasabay Rin Ng Hanging Kumakanta.
Ma'ri Bang Huwag Ka Nang Sa Piling Ko'y Lumisan Pa
Hanggang Ang Hangi't Ula'y Tumila Na.

Buhos Na Ulan Aking Mundo'y Lunuring Tuluyan.
Tulad Ng Pag-Agos Mo 'di Mapipigil
Ang Puso Kong Nagliliyab.
Pag-Ibig Ko'y Umaapaw Damdamin Ko'y Humihiyaw Sa Tuwa
Tuwing Umuulan At Kapiling Ka.

Pagmasdan Ang Ulan, Unti-Unting Tumitila,
Ikaw Ri'y Magpapaalam Na.
Maari Bang Minsan Pa, Mahagkan Ka't Maiduyan Pa.
Sakbibi Ka't Ulan Lamang Ang Saksi.

Minsan Pa Ulan Bumuhos Ka't H'wag Nang Tumigil Pa.
Hatid Mo Ma'y Bagyo Dalangin Ito Ng Puso Kong Sumasamo.
Pag-Ibig Ko'y Umaapaw Damdamin Ko'y Humihiyaw Sa Tuwa
Tuwing Umuulan At Kapiling Ka.
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Tuwing Umuulan At Kapiling Ka Lyrics