Bakit Kaya Nangangamba
Sa Tuwing Ika'y Nakikita?
Sana Nama'y Magpakilala.

Ilang Ulit Nang Nagkabangga,
Aklat Kong Dala'y Pinulot Mo Pa.
'Di Ka Pa Rin Nagpakilala.

Bawat Araw Sinusundan,
'Di Ka Naman Tumitingin.
Ano'ng Aking Dapat Gawin?

Bakit Kaya Umiiwas,
Binti Ko Ba'y Mayr'ong Gasgas?
Nais Ko Nang Magpakilala.

Dito'y Mayr'on Sa Puso Ko
Munting Puwang Laan Sa 'yo
Ma'ri Na Bang Magpakilala

Bawat Araw Sinusundan,
'Di Ka Naman Tumitingin.
Ano'ng Aking Dapat Gawin?

Kailan, Kailan Mo Ba Mapapansin Ang Aking Lihim?
Kahit Ano'ng Aking Gawin, Di Mo Pinapansin.
Kailan, Kailan Hahaplusin Ang Pusong
Bitin Na Bitin? Kahit Ano'ng Gawing Lambing
'Di Mo Pa Rin Pansin.
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Kailan Lyrics