DelloSana 'Di Na Lang

(1st stanza) Ayoko ng isipin, ayoko ng sapitin Ako na 'yong alipin at ayoko ng pilitin Pa sayo, dapat kong ituloy na ang paglayo. Biktima nitong tadhana natin na mapaglaro. Dahil kung titignan sa titig lang para bang nabibiglang Naiwan tulala ng dahil lamang sa pagibig lang... Di na mapagbibigyan at yon ang masakit, Sana ay hindi nalang pala sayo napalapit Sa napiling mahalin ay bakit ba sayo pa nga ba? At ang Dellong mainipin pagdating sayo mahaba Ang pasensya at nagti-tiyagang nag aabang kahit ilang Beses ng pinagmumukhang tanga't hibang nagbibilang Ng aking pagkakataon, pero bat nagkaganon Mahal kita, mahal mo sya, nagtataka't nagtatanong Kung bakit ka naging tanga para lang maloko nya Ako naman ang mas tanga dahil kahit ayoko na Nagbabalik parin at ako sayo'y palagi Pero di ka naman sakin kailanman di maaari Sakin ikaw ang reyna, di naman ako ang hari. Kung alam ko lang nung una di na sana 'to nangyari... Di na sana naganap, ako na sana'y naghanap Ng ibang dapat ibigin di na sana ako hirap, Sa kalagayan ko ngayon kung nalaman ko noon Na maiinlab pala ko kaagad sa isang iglap... ... sana di nalang... (Chorus) Di na sana kita nakilala, di na sana ako lumapit... Di na sana kita nakilala, di na sana ako nagdurusa ng Dahil lang sayo... (2nd stanza) Sana nung umpisa hindi na tayo nagtabi Kaya ngayon ay alanganin napaibig mo kasi At naging kabado na ko kahit di pa nagkape Umaasta na ayos kahit na hindi naman kami... Sana di ka napayuhan tungkol sa mga Ex Sana wala akong cellphone para di ka nakatext Nung in-add kita sa facebook sana di mo in-accept Ngayon sarili ko bakit ba hindi ko masagip... Sana di na umalalay sayo sa pagtawid Pagpunta mo sa Cavite, sana di na naghatid At ang aking nahawakan sana di sayong kamay Kaya ako'y nahihirapan pagkat di ngayon sanay Na wala ka sa tabi, parang wala sa katinuan Sana di na uminom para di ka nakainuman Sana di na naglasing para di naging praning Na kahit magpakasabog sitwasyon ganun parin... Na ako'y isang alalay na laging nakasunod Na kahit ka pa nakalugay o kahit nakapusod... Maganda ka parin sa paningin at palihim nakatingin Sayo mula umaga, tanghali, hanggang sa gabihin... Mahirap na tong gawin kahit na ipikit Ang mga mata. bakit ba ang puso ang kulit Kahit nadama ulit sa damdamin ang pait Sana di ka minahal dahil ang sakit... (Repeat chorus 2x) Bakit may isang ikaw na hindi pwedeng maging sakin Bakit ang mga gabi ay hindi pwedeng maging satin Kung pwede lang na ang nadarama 'toy palipatin Maisalin ko sa iba, ayaw bang marapatin Ang pag kakataon, bakit pa ngayon pa lumitaw Kung kailan di na pwede at kailangan ko ng bumitaw Sa pag-asa ng pagibig na hapdi ang dinala Kasi mahal kita ng sobra... sana di nalang pala...
Lyricsfreak.com © 2014