May commercial na naman kame
Mag mumukha kaming tange
Mabuti na lang ito'y natural lamang
Na mag mukha kaming tange (tange! )

May pera na naman kame
Para lang mag mukhang tange
Mabuti na lamang kami ay mayaman
Ayos lang mag mukhang tange (tange! )

Pero di kami nag graduate
Nag rock and roll lang kame
Kapag tumanda at wala nang pera
Magmumukha kaming tange (tange! )

Naubos na ang kanta ko
Sayang ang mga tatoo
Wala kong trabaho, mukha akong gago
Ako'y nagmukahang tange (tange! )

Pero masaya naman kame
Kahit nagmukhang tange
Di nagsisisi sa lahat ng nangyari
Nung nagmukha kaming tange (tange! )

May album na naman kami
Marami namang bumili
May mga sumaya, at may tawa ng tawa
Lahat ay nagmukhang tange (tange! )
Mail  |  Print  |  Vote

Tange Lyrics

Parokya Ni Edgar – Tange Lyrics