Hindi na ko naniniwala kay Santa
Hindi ko pa naman kasi sya nakikita
Tuwing Pasko'y naghihintay, nag-aabang
Hindi naman sya sumusulpot o dumadaan

Hindi pa ko nakakakita ng reindeer
Ni minsan ay di pa naman sila nag aapear
Hindi pa ko nakapaglalaro sa snow
Kaya sa ref na lang ako kumakalkal ng yelo

Pwede ba tigilan nyo na
Ang panloloko nyo sa mga bata
Pwede ba tigilan nyo na
Ang panloloko nyo lahat yan ay bola

Nung isang pasko'y nagising nung may kumakalampag
Mayroong nakita na 'sang mama na may bag
Akala ko si Santa, ako naman ay natuwa
Ngunit bakit puro gamit namin ang kanyang kinukuha

Pwede ba tigilan nyo na
Ang panloloko nyo sa mga bata
Pwede ba tigilan nyo na
Ang panloloko nyo lahat yan ay bola

Si Santa magnanakaw pala

Kaya ngayong Pasko, pinto'y ikandado
Baka pasukin pa kayo ng tarantado
Si Santa ay di totoo
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

My Shattered Belief Lyrics