I
Magbukas ka pa ng tuna
At kukulangin ang isa
Maglabas ka pa ng baso
At tatagayan ko kayo
II
Pahingi naman ng yosi
At pa-abot ng pansindi
Maghanap ka na ng pwesto
Akong bahala sa inyo
Chorus:
Tama na 'yan inuman na
Hoy pare koy tumagay ka
Nananabik na lalamunan
Naghihintay nag aabang
III
May mag jo-joke sabay kampay
Biglang inom sabay dighay
Kwentuhan na walang saysay
Tawanan na walang humpay
IV
Pang drinking marathon ang laban
Tuloy-tuloy lng ang inuman
Medyo may amats na ako
O.K lng 'yan Pareho tayo
(Repeat Chorus)
La la la la la la lasing...
La la la la la la lasing...
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Inuman Na Lyrics

Parokya Ni Edgar – Inuman Na Lyrics