Tayo ay isang bansang malaya
Mayaman at makulay ang kultura
Mayabong ang kasaysayang minana
Marilag na bayang pinagpala

Sina Rizal, Tandang Sora at Bonifacio
Sila'y mga dakilang Pilipino
Marangal mapagmahal sa kapwa-tao
Bayani at huwarang totoo

Koro:

Pagyamanin ang mga gintong pamana
Isa-buhay ang mga dakilang halimbawa
Ang wasto ay ipakita sa mga bata
Ikaw ma'y mayaman o dukha

Pilipinas bayan kong sinilangan
Sa daigdig ika'y walang katulad
Taglay ko sa aking puso at isipan
Dangal mo o bayan kong nililiyag

(Koro)

Koda:

Anuman ang iyong gawain o hanapbuhay
Maging marangal at magpakahusay
Mga katutubong aral ang ating patnubay
Butihing Bathala ang ating gabay

(Koro)
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Kaya Mong Maging Dakila Lyrics

Noel Cabangon – Kaya Mong Maging Dakila Lyrics