Ang buhay nga naman
Di mo maintindihan
Di mo alam kung saan ang hangganan
Ang buhay ng tao
Sadyang misteryoso
Di mo alam kung kailan ang katapusan

Ngunit ika'y maaalala
Sa mga kwento mong madrama
At hindi malilimutan
Ang iyong mga kalokohan
At ika'y pag-uusapan at pagtatawanan
Ngunit mangungulila sa iyong paglisan

Ang buhay nga naman
Kay lalim ng kahulugan
Di mo alam kung ano ang kapalaran
Ang buhay ng tao
Sa ibabaw ng mundo
Di mo batid kung ano ang iyong daratnan

Ngunit ika'y maaalala
Sa mga kwento mong madrama
At hindi malilimutan
Ang iyong mga kalokohan
At ika'y pag-uusapan at pagtatawanan
Ngunit mangungulila sa iyong paglisan

Ang buhay ng tao
Sa ibabaw ng mundo
Paikot-ikot at sadyang mapaglaro

Ngunit ika'y maaalala
Sa mga kwento mong madrama
At hindi malilimutan
Ang iyong mga kalokohan
At ika'y pag-uusapan at pagtatawanan
Ngunit mangungulila sa iyong paglisan

Ngunit mangungulila sa iyong paglisan.
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Ang Buhay Nga Naman Lyrics

Noel Cabangon – Ang Buhay Nga Naman Lyrics