Bakit kaya nangangamba
Sa tuwing ika'y nakikita
Sana naman ay makilala
Ilang ulit nang nagkabangga
Damit kong dala'y pinulot ko pa
Ngunit 'di ka man lang nagkilala

Bawat araw sinusundan
Umaasa sa 'yong tingin
Anong aking dapat gawin

Bakit kaya iniiwas
Suot ko ba'y luma't butas
Ibig kitang magkilala
Pagka't mayroon sa puso ko
Munting puwang laan sa 'yo
Maaari na ba kitang magkilala

Bawat araw sinusundan
Umaasa sa 'yong tingin
Anong aking dapat gawin

Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim
Kahit anong aking gawin, 'di mo pinapansin
Kailan, kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin
Kahit anong gawing lambing, 'di mo pa rin pansin

Ooh... oh... oh... hmm...

Bakit kaya iniiwas
Suot ko ba'y luma't butas
Nais ko lang magpakilala

Bawat araw sinusundan
Umaasa sa 'yong tingin
Anong aking dapat gawin

Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim
Kahit anong aking gawin, 'di mo pinapansin
Kailan, kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin
Kahit anong gawing lambing, 'di mo pa rin pansin

Ooh... woah-oh... hmm...
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Kailan Lyrics