Di ko maalis sa isip
Ang yong mukhang nakakaakit
Pati na ang ngiting anong tamis

Sa twing ika'y naaalala
Feeling ko ika'y kasama
Na para bang walang katapusan

Refrain:

Ang kagandahan mo'y kakaiba
Tila ba puso'y nagayuma mo na

Chorus:

Ano bang meron ka
At di ka malimutan
Tila binihag mo itong puso't isipan
At kahit na saan ibaling itong mga mata
Bakit laging ang natatanaw ay ikaw

Minsan pa ang dalangin
Sana ay makapiling
Kahit na ilang saglit man lang

Refrain 2:

Ang lahat ay aking gagawin
Upang ika'y mapasaking piling

Chorus:

Ano bang meron ka
At di ka malimutan
Tila binihag mo itong puso't isipan
At kahit na saan ibaling itong mga mata
Bakit laging ang natatanaw ay ikaw

At kahit n saan ibaling itong mga mata
Bakit laging ang natatanaw ay ikaw

Laging ikaw
Laging ikaw...
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Laging Ikaw Lyrics

Myrus – Laging Ikaw Lyrics