Nang una kang makita
Ay tila balewala
Di man lang pinapansin
Ang aking damdamin
Ngunit ng makilala at ika'y makausap
Biglang nagbago ang takbo
Ng aking isipan

Para bang may mabubuong
Kakaibang damdamin
Sa puso ko ay para lamang sayo

Chorus
Ikaw lamang nagbigay ng kulay
Sa puso kong walang kabuhay-buhay
Sa piling mo'y lubos kapag ito'y natanto
Paano na kaya ako kung ika'y wala sakin
Giliw

Ang nais ko sa tuwina'y makita't matanaw ka
O kaya'y makausap man lang kahit isang saglit
Ngunit pag nariyan kana ay wala ng masabi
Ngumingiti na lamang habang ika'y tinitingnan

Bakit di ko maintindihan ang nadarama sa'yo
Basta't ang alam ko ay umiibig ako sayo., ohh

Chorus
Ikaw lamang nagbigay ng kulay
Sa puso kong walang kabuhay-buhay
Sa piling mo'y lubos kapag ito'y natanto
Paano na kaya ako kung ika'y wala sakin
Giliw

Ikaw lamang

Sa piling mo'y lubos kapag ito'y natanto
Paano na kaya ako kung ika'y wala sakin

Ikaw lamang nagbigay ng kulay
Sa puso kong walang kabuhay-buhay
Sa piling mo'y lubos ang kaligayahan ko
Paano na kaya ako kung ika'y wala sakin
Piling
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Ikaw Lamang Lyrics

Myrus – Ikaw Lamang Lyrics