Unti-unting gumagalaw
Kanyang matang nakatanaw
Sa isang ngiting walang saya
Nagtatanong, nagtataka

Bakit ba ganito
Tinapos sa gulo

Wala na rin bang halaga
Ang yakap at halik niya
Kung dati'y hinahanap pa
Ngayo'y tinataguan na

Bakit ba ganito
Tinapos sa gulo

Mahalin mo na lang kahit kunwari
Dalangin niyang makatingin sa langit
Naubos na ang sandali ng buhay niyang
Kasing gulo ng isang
Pelikulang wala namang istorya
Natapos nang ikaw na lang ang bida
Di manlang nasabi na
Mahal na mahal mo siya
Haaa... Haaa...

Ang hawak mo'y kasing lamig
Ng huling halik sa kanyang bibig
Kung bakit ba umiwas pa
Sa huling tanong na meron siya

Unti-unting nalilito
Naiinis sa kwento mo
Daig niyo pa ang T. V. Ko...

Mahalin mo na lang kahit kunwari
Dalangin niyang makatingin sa langit
Naubos na ang sandali ng buhay niyang
Kasing gulo ng isang
Pelikulang wala namang istorya
Natapos nang ikaw na lang ang bida
Di manlang nasabi na
Mahal na mahal mo siya
Mahal na mahal mo siya
Haaa... Haaa...

Naubos na ang luha niya
Pikit na ang kanyang mata
Kanina'y nakatitig pa
Sa larawan mo na yakap niya

Mahalin mo na lang kahit kunwari
Dalangin niyang makatingin sa langit
Naubos na ang sandali ng buhay niyang
Kasing gulo ng isang
Pelikulang wala namang istorya
Natapos nang ikaw na lang ang bida
Di manlang nasabi na
Mahal na mahal mo sya

Mahalin mo na lang kahit kunwari
Dalangin niyang makatingin sa langit
Naubos na ang sandali ng buhay niyang
Kasing gulo ng isang
Pelikulang wala namang istorya
Natapos nang ikaw na lang ang bida
Di manlang nasabi na
Mahal na mahal mo siya
Mahal na mahal mo siya
Mahal na mahal mo siya
Haaa... Haaa...
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Kai Lyrics

Maryzark – Kai Lyrics