Dumating na naman ang dapithapon
Isang araw ang nagdaan
Uuwi nang walang nag-aabang
Heto na naman

Parang kailan lang
Ikaw ay dumating
Naging langit ang mundo
Saksi ang buwan
Sa tamis ng suyuan

Heto na kaya?

Ang pag-ibig nga naman
Kapag nararamdamn
Isusugal mo ang iyong puso
Ibibigay ang lahat
Pagkat hindi sintiyak
Nang pagsapit ng bukas

Sa gitna ng gabi
Isip ay lumalalim
Di madapuan ng antok
Kinukurot
Ng yong alaala

Kumusta ka kaya?

Ang pag-ibig nga naman
Kung di na maramdaman
Di kayang pagtakpan
Ng sumpaan
Ang sabi nga ng iba
Kung talagang mahal mo siya
Hahayaan mong lumisan

Paalam…..

Mahal.

Umaga na naman
Bababangon nang muli
Isa-isang ilalakip
Saking puso
Naiwan mong bakas.
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Dapithapon Lyrics

Johnoy Danao – Dapithapon Lyrics

More Johnoy Danao lyrics