[Verse 1]
May pinagdadaanan ka ba?
Marami ka bang tanong?
Pagod nang tahakin
Ang iyong landas
Paikot-ikot lang

[Verse 2]
Tulad mo ang aking kwento ay di perpekto
Wag na wag ka sanang matutong sumuko
Ituloy mo ang iyong paglalakbay
Sa kabila ng dagok
Tuklasin ang iyong biyaya
Sa dilim ng pagsubok
Nadarama mo ba
Di ka nag-iisa
May kasama’t karamay ka
Sa iyong pag-aalala

[Chorus 1]
Ano ang kwento ng pag-asa mo?
Gusto kong marinig
Nang maisapuso

[Chorus 2]
Pinagdadaanan laging may dahilan
Silayin mo ang ganda at liwanag ng buhay
May magagawa ka
Manalig ka
May pag-asa

[Bridge]
Ngayon ang panahon
Maniwala sa tanging taglay
Na ang iyong pangarap
Ay may katuparan

[Repeat Chorus 1 & 2]
[Repeat Chorus 1]
[Instrumental Break]

[Chorus 3]
Ang iyong tagumpay
Sa amin ay magiging gabay
Isulong ang hangad
Na liwanag ng buhay
Mangarap ka
Manalig ka
Sa kwento ng pag-asa mo
Babangon ang Pilipino
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Ano Ang Kwento Ng Pag-Asa Mo Lyrics

Johnoy Danao – Ano Ang Kwento Ng Pag-Asa Mo Lyrics

More Johnoy Danao lyrics