Ang sabi mo'y ang dami
Mong hindi naiintindihan
Sa ating pag-iibigan

Ang sabi mo'y ang dami
Mong hindi nauunawaan
Sa ating pagmamahalan

Ngunit ako'y naniniwala
Na mamatay ang tala ng pag-iibigan
Kapag may paghihinala

Chorus:
(Kung makikinig ka lang)
Kapag tayo'y nag-uusap
(Kung makikinig ka lang)
Kapag tayo'y nangangarap
(Kung ang puso mo'y buksan)
Baka maintindihan
Na hindi lang tenga ang kailangan
Upang marinig mo ako puso'y buksan

Kung papakinggan mo ang
Kanilang pakiwari
Na ako ay pakunwari

Kung papakinggan mo ang
Opinyong sari-sari
Baka wala nang mangyari

Ngunit ako ay nananalig
Na pag tunay ang pag-ibig
Ay di kailangan sa ibang tao pa makinig

(Repeat Chorus)

Bridge:
Di na bale ang mata
Di na bale ang tenga
Basta't ang puso mo ay
Huwag na huwag isasara

(Repeat Chorus)
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Kung Makikinig Ka Lang Lyrics

Jimmy Bondoc – Kung Makikinig Ka Lang Lyrics