Pare naman
Pakiusap ko lang
Akin na lang siya
Marami ka namang iba
Ibalato mo na sana

Pare naman
Kung puwede lang
Huwag ka nang pumorma
Baka sa yo na naman mapunta
E iiwanan mo lang di ba?

Akin na lang sana siya
Marami ka pa namang iba
Nasa iyo na ang buong langit
Akin na 'tong isang bituing maliit
Sa 'kin kasi siya ay buwan
Liwanag ng langit ko
Magpakailanpaman

Pare naman
Request ko lang
Wag ka nang manukso
Baka ang puso niya'y mapalukso
Wala ka bang sinasanto

Akin na lang sana siya
Marami ka pa namang iba
Nasa iyo na ang buong langit
Akin na 'tong isang bituing maliit
Sa 'kin kasi siya ay buwan
Liwanag ng langit ko
Magpakailanpaman

Mahal ko na yata siya
Kung manliligaw ka, totohanin mo na
At kung ikaw na naman ang magwagi
Ipagdadasal ko na lang kayo palagi

Akin na lang sana siya
Marami ka pa namang iba
Nasa iyo na ang buong langit
Akin na tong isang bituing maliit
Sa 'kin kasi siya ay buwan
Liwanag ng langit ko
Magpakailanpaman

Liwanag ng langit
Magpakailanpaman

Liwanag ng langit
Magpakailanpaman
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Akin Na Lang Sana Sya Lyrics

Jimmy Bondoc – Akin Na Lang Sana Sya Lyrics