Tatalon ka na ba mula sa sinasakyang nagdala sa iyo sa taas para lang magpakalunod sa alin?
Sa bisyo o sa luho?
Bibitawan mo na ba paniniwalang nagdulot sayo ng saya para lang magpakabaliw...
Sa ano?
Sa pansamantalang aliw?

Sunog lang ng sunog!

Kapit ng mahigpit, kapatid

Huwag kang bumitaw.

Bat ka ba lumalayo sa mismong kadugong kailanman ay di ka iniwang nagluluksang magisa?
Nakalimutan mo na ba halaga nila?
Bat' ka ba sumusuko sa mga pagsubok na di mo naman ikamamatay?
Di ba dapat lalo kang tumitibay?

Sunog lang ng sunog!

Kapit ng mahigpit, kapatid

Huwag kang bumitaw.

Tulong! pahingi ng gamot... para huwag ng malito, kahit wala munang sagot.

Tulong! pahingi ng gamot... kahit panandaliang lunas, para man lang kumalma!

Bat ka ba nagpapasunog sa sarili mong apoy? x11
Bat ka ba nagpapasunog sa sarili mo!

Kapit ng mahigpit, kapatid

Huwag kang bumitaw...

Sunog lang ng sunog!
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Apoy Lyrics