Wag daw ikaw
Lahat ng nagtakang mahalin ka
Ay nabaliw na at naligaw pa
Sa preno bumitaw
Sa kamay mo ko bumagsak
Puso kong basta sumuko sayo
Gunaw ako sa
Kung pano mo ko hinahawakan
Walang laban
Kung pano mo ko sinasayawan
Walang bukas
Ikay kunwari lang ilang
Ako sayo'y naiiwan
May dala akong panali
Bago tayo lumakad

Tumayo, pumalag sa piling niya
Ikay pumiglas sa kanya
Ikay magiging abo
Siya ang susunog sayo
At bilisan mong tumakbo
Talagang wag ka nang lumingon
Habang may oras ka pa lumayo na
Kung san man na di ka na niya abot.

Alam ba nila ang pakiramdam
Ng lalakad ng parang lumulutang lang
Kung kelan kita gusto umulan
At kikindat bumagyo
Gipit pa, kung may hadlang, may paraan
Hinirang na nila akong hangal
Oras-oras ikaw na lang aking hangad
Gumuho man mundo ko, e ano
Basta't ramdam kay sapat
Yung sagad sa buto, hala durugin mo!

Sunod lang ako ng sunod
Naghahabol ng nakaluhod
Muling bumabalik sa yakap mong kay higpit
Kamandag mong kay lupit
Tamis mo na kay pait.
Naging tapat mo akong alipin
Bihag mong sumusunod kahit san hilahin
Dala moy lunas nang mapala ang sarap
Di ako makahinga ng malaya.

Tumayo, pumalag sa piling niya
Ikay pumiglas sa kanya
Ikay magiging abo
Siya ang susunog sayo
At bilisan mong tumakbo
Talagang wag ka nang lumingon
Habang may oras ka pa lumayo na
Kung san man na di ka na niya abot.

At ngayong mas madalas na ang pagdalaw
Pataas ng pataas pa ang lipad tungo sa araw
Mga pakpak ay bigla na lang napilas
Ipinagpalit ulit sa ilusyong mga biyaya
Sukat man ang layo lakas sa lalim
Ngunit naubusan pa rin ako ng hangin
Sa lupa maglakad
Di kailangang lumipad
Iyo na bituin at buwan
Layo mo pa rin sa langit.

Sunod lang ako ng sunod
Naghahabol ng nakaluhod
Muling bumabalik sa yakap mong kay higpit
Kamandag mong kay lupit
Tamis mo na kay pait
Naging tapat mo akong alipin
Bihag mong sumusunod kahit san hilahin.
Dala moy lunas nang mapala ang sarap
Di ako makahinga ng malaya.

Tumayo, pumalag sa piling niya
Ikay pumiglas sa kanya
Ikay magiging abo
Siya ang susunog sayo
At bilisan mong tumakbo
Talagang wag ka nang lumingon
Habang may oras ka pa lumayo na
Kung san man na di ka na niya abot.

Tumayo, pumalag, pumiglas ka
Sa piling nyay ikay magiging abo
May oras pang tumakbo, lumayo na
Siya ang sususnog sayo
Mail  |  Print  |  Vote

Taya Lyrics

Greyhoundz – Taya Lyrics