Paulit ulit ko mang sasabihin sa iyo,
Ang nadarama ng aking puso.
Ang pagmamahal ko d' magbabago,
Ito'y laan para lang sa iyo.

Alam kong alam mo, ikaw lang nasa puso ko,
Nang dahil sa iyo maligaya ako.
Kahit pa sa panahong ito tayo ay magkalayo,
Umaga, Tanghali, Gabi, tanging ikaw ang nasa isip ko.

Ikaw ang aking buhay,
Tuwing ako ay nalulumbay.
Ikaw ang tangi kong pag-ibig wala ng iba,
Sa aking puso tunay kang nag-iisa.
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Tunay Na Tunay Lyrics

Elisa Cabaccang – Tunay Na Tunay Lyrics