Mahal kita kahit na pagka pait pait
Nitong kapeng iyong tinitimpla
Kasi tuwing kasama ka
Lahat sumasarap
Pati pait ng buhay ko
Nawawala
Sa isang iglap

At pangarap ko na
Ikaw ang magtitimpla
Ng aking kape
Sa umaga't sa gabi
Kasi mahal kita
Inlab ako sa isang barista

Gustong gusto kita kahit na pagka mahal mahal
Ng benta mo sa kapeng wala namang lasa
Kasi walang kasing tamis
Itong iyong ngiti
Kaya kahit yung wallet ko di nakakayanang magtimpi

At pangarap ko na
Ikaw ang magtitimpla
Ng aking kape
Sa umaga't sa gabi
Kasi mahal kita
Inlab ako sa isang barista

Hinihintay ko na ang pagkakataon
Na aking pangalan ay iyong itatanong
Para isulat sa baso mong karton
Na iyong pupunuin
Ng mainit
Na pag-ibig
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Barista Lyrics

Ang Bandang Shirley – Barista Lyrics