Ngayong gabi sa akin na nakasalalay
Ang lahat ng mga bagay
At hindi mo na makikita
Kahit
Bakas ng pangangamba
Sa aking mga mata
Habang lumalapit ako sayo
Para maitanong

"Maari ba kitang makasayaw
O di kaya kahit
Upo lang muna tayo habang
Inaantay yung ating magiging theme song? "

Mabuti nang laging handa
At kung sakali nga
Na darating ang pagkakataon
Ay susulitin ko ito
Kasi naman sadyang minsan
Nagtutugmatugma lahat
Pati yung erpats mo pumapayag kaya't

"Maari ba kitang makasayaw
O di kaya kahit
Upo lang muna tayo habang
Inaantay yung ating magiging theme song? "
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Theme Song Lyrics

Ang Bandang Shirley – Theme Song Lyrics