Nagmula sa lupa
Magbabalik nang kusa
Ang buhay mong sa lupa nagmula

Bago mo linisin
Ang dungis ng 'yong kapwa
Hugasan mo 'yong putik sa mukha

Kung ano ang di mo gusto
'Wag gawin sa iba
Kung ano ang iyong inutang
Ay siya ring kabayaran

Sa mundo ang buhay
Ay mayroong hangganan
Dahil tayo ay lupa lamang

Kaya't pilitin mong ika'y magbago
Habang may panahon ika'y magbago
Pagmamahal sa kapwa ay isipin mo

(Instrumental)

Kung ano ang di mo gusto
'Wag gawin sa iba
Kung ano ang 'yong inutang
Ay siya ring kabayaran

Sa mundo ang buhay
Ay mayroong hangganan
Dahil tayo ay lupa lamang

Kaya't pilitin mong ika'y magbago
Habang may panahon ika'y magbago
Pagmamahal sa kapwa ay isipin mo

Kaya't pilitin mong ika'y magbago
Habang may panahon ika'y magbago
Pagmamahal sa kapwa ay isipin mo

Isipin mo...
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Lupa Lyrics

Aegis – Lupa Lyrics