Kung nag-iisa at nalulumbay
Dahil sa hirap mong itinataglay
Kung kailangan mo ng karamay
Tumawag ka at siya'y naghihintay

Siya ang iyong kailangan
Sandigan, kaibigan mo
Siya ang araw mong lagi
At karamay kung sawi
Siya ay si Hesus sa bawat sandali

Kung ang buhay mo ay walang sigla
Laging takot at laging alaala
Tanging kay Hesus makakaasa
Kaligtasa'y lubos na ligaya

Siya ang dapat tanggapin
At kilalanin sa buhay mo
Siya noon bukas ngayon
Ang sa dalangin ko'y tugon
Siya ay si Hesus sa habang panahon

Kaya't ang lagi mong pagkakatandaan
Siya lang ang may pag-ibig na tunay
Pagibig na tunay

Siya ang iyong kailangan
Sandigan, kaibigan mo
Siya ang araw mong lagi
At karamay kung sawi
Siya ay si Hesus sa bawat sandali (2x)

Siya ang dapat tanggapin
At kilalanin sa buhay mo
Siya noon bukas ngayon
Ang sa dalangin ko'y tugon
Siya ay si Hesus sa habang panahon

Siya ay si Hesus sa habang panahon
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Hesus Lyrics

Aegis – Hesus Lyrics