Mahal, pangako sa iyo, hindi magbabago
Ikaw lang ang iibigin ko
Kahit Ikaw ay lumayo, at masaktan ako
Asahan na 'di maglalaho

Ang pag-ibig ko'y tanging sa 'yo lamang
Kung kaya giliw dapat mong malaman.
(Dapat mong malaman)

Minsan lang kitang iibigin
Minsan lang kitang mamahalin
Ang pagmamahal sa 'yo'y walang hangganan
Dahil ang minsan ay magpakailanman.

Minsan lamang sa buhay ko ang 'sang katulad mo
Ako rin ba'y iniibig mo
Dinggin, puso'y sumasamo. Sinusumpa sa 'yo,
Ikaw ang tanging dalangin ko

Ang pag-ibig ko'y tanging sa 'yo lamang
Kung kaya giliw dapat mong malaman.
(Dapat mong malaman)

Minsan lang kitang iibigin
Minsan lang kitang mamahalin
Ang pagmamahal sa 'yo'y walang hangganan
Dahil ang minsan ay magpakailanman.

Minsan lang kitang iibigin
Minsan lang kitang mamahalin
Ang pagmamahal sa 'yo'y walang hangganan
Dahil ang minsan ay magpakailanman.
Dahil ang minsan ay magpakailanman.
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Minsan Lang Kita Iibigin Lyrics

3rd Avenue – Minsan Lang Kita Iibigin Lyrics