Bakit pipiliin ang 'di na magmahal?
Puso't isip, naglalayo
Panahong Lumipas ay 'di mababago
At oras ay mapagbiro

Refrain:
Minsan ma'y dumaraing, ngunit 'di sumusuko
Ikaw na marahil ang s'yang magsasabi
Kung sa'n patungo ang damdamin mo

Chorus:
Dahil kung sasamahan mo ang pusong maglakbay,
Babaunin natin ang pag-ibig na tunay
At kung sakaling maligaw, pag-asa ay matatanaw
Hangga't tayong dal'wa ay magkasama

'Di ka liligaya at walang mararating
Kung 'yong paa'y 'di hahakbang
Panahong nasayang ay 'di nabibili
Diyos ma'y hindi ito binabalik.

Refrain:
Minsan ma'y dumaraing, ngunit 'di sumusuko
Ikaw na marahil ang s'yang magsasabi
Kung sa'n patungo ang damdamin mo

Chorus:
Dahil kung sasamahan mo ang pusong maglakbay,
Babaunin natin ang pag-ibig na tunay
At kung sakaling maligaw, pag-asa ay matatanaw
Hangga't tayong dal'wa ay magkasama

Subukang umibig kahit pa nangangamba
Langit ma'y dumidilim,
Ngunit mayro'ng liwanag
Sa bukas na nag-aabang

Chorus:
Dahil kung sasamahan mo ang pusong maglakbay,
Babaunin natin ang pag-ibig na tunay
At kung sakaling maligaw, pag-asa ay matatanaw
Hangga't tayong dal'wa ay magkasama
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Hangga't Tayo'y Magkasama Lyrics

3rd Avenue – Hangga't Tayo'y Magkasama Lyrics