Mahal na mahal, mahal na mahal kita aahh!

[Chorus:]:
Mahal na mahal kita, sana ay marinig mo ang ginawa kong kanta. Para sayo, ang pag ibig ko. Wag mo sanang kalimutan, nandito lang ako, para sayo!.

G'rhyme:

Nung ikaw ay makilala ko di ko alam ang nadama
Biglang tumibok ang puso na parang my kaba,
Hindi ko rin alam kung pano sasabihin kung ano,
Ang nakita ko sayo parang pinana mo ang puso.

At hindi rin mapigilan ang pag iisip sayo,
Mapa araw o gabi hindi na ko mapakale.
Ikaw ay nasa panaginip magkahawak ang kamay,
Yayakapin ka ng mahigpit hindi maghihiwalay

Habang iniisip ang pagkakataong ito na kasama
Ang aking mahal dito sa tabi ko at wala ng
Magbabago satin kahit tumagal ang taon at
Panahon mananatili kang sa akin at ako'y sa iyo...

Iyan ang iyong tatandaan sinisisgaw ng puso ko
Na tayo'y magpakailanman.
Magsasama sa buhay sa ginhawa o sa hirap,
Ang lahat ay gagawin upang matupad ating pangarap!

[Chorus:]:
Mahal na mahal kita, sana ay marinig mo ang ginawa kong kanta. Para sayo, ang pag ibig ko. Wag mo sanang kalimutan, nandito lang ako, para sayo!.

Genocide:

Ang pagmamahal ko sayo, kailan ma'y hindi to masusukat,
Eto ang liham ko sayo at sana mabasa ang aking sulat,
Isa man ang pahina, sagad naman at nag-aalab,
Walong rima ng pagibig na mula sa puso ko kinalap,...

Eto ang mga sumusunod na nadarama kapag andyan ka,
Ang makita ka buo na araw ko at masaya na, sa tuwing
Tayong dalawa ay magkikita't mag kasama ako'y
Kontento na kahit di na umalis at mag gala pa.

Ngayon, ipagtatapat sayo hindi ko kayang mawala ka
Dahil sayo lang binuo ang mundo ko maniwala ka sana.
Tanging hinangad ay mahalin ka pagsilbihan at mahagkan ka
Yan lang ang gustong gawin hanggang ako ay mawala na.

Halika sa akin at sumama, damahin ang luha ko pag wala ka,
Wag na wag mong lilisanin, dahil hindi ko ito makakaya.
Isa nalang bago tapusin, tumabi ka sakin may sasabihin
Girl, mahal na mahal kita, yan ang sigaw nitong damdamin!

[Chorus:]:
Mahal na mahal kita, sana ay marinig mo ang ginawa kong kanta. Para sayo, ang pag ibig ko. Wag mo sanang kalimutan, nandito lang ako, para sayo!.

Jayman:

Paulit-ulit kong sasabihin na mahal kita,
At makikita mo ito saking mga mata
Ikaw lang ang mahalaga para sa akin
Dahil ang katulad mong pumukaw saking damdamin.

Di ko akalain na mamahalin mo din ako,
Dahil alam ko na hindi tayo pareho,
Simpleng tao lang ako na nagmamahal sayo,
At umaasa na hindi maglaho ang pag ibig mo.

Mahal kita, alam mo yan at walang iba.
Dito sa puso ko ikaw lang ang nakadikta.
Wala na sanang magbago sating dalawa,
At pinapangako ko ikaw lamang sinta.

Pagmamahalan natin na walang katapusan,
Umasa ka sa akin, hindi kita pababayaan
Puso ko, pagibig ko, sa iyo ilalaan.
Gagawin ko ang lahat para ito'y panindigan.

[Bridge:]:

Ikaw lang ang aking mamahalin, pangako ko lagi kong sasambitin,
Ang pangalan mo na nakaukit sa damdamin ko, kailan ma'y hindi
Mawawala ang pag mamahal sayo!.

[Chorus:]:
Mahal na mahal kita, sana ay marinig mo ang ginawa kong kanta. Para sayo, ang pag ibig ko. Wag mo sanang kalimutan, nandito lang ako, para sayo!.

Closing:

Mahal na mahal na mahal kita, mahal na mahal kita...
Para sayoooohhh ohhhoohhh!
Mahal na mahal kita!
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Mahal Na Mahal Lyrics

Xo Icy – Mahal Na Mahal Lyrics

More Xo Icy lyrics