Noong ako'y kumakanta
Sa isang lugar sa Ermita
May babaeng maganda
Nakikinig at nag-iisa
Malungkot na minamasdan
Ang kopitang tangan nya
Banaag ko sa mukha niya
Larawan ng may problema

Ako'y nag-iisip habang umaawit
Ibig kong malaman
Kung ano ang dahilan
Bakit siya nag-iisa
Bakit siya lumuluha
Pag-ibig nga kaya ang Dahilan?

At nang ako'y matapos na
Ako'y lumapit sa kanya
Bakit ka nag-iisa
Mga ngiti ang sagot nya

Ako'y nag-iisip
Habang naka masid
Ibig kong malaman
Kung ano ang Dahilan
Bakit siya nag-iisa
Bakit siya lumuluha
Pag-ibig nga kaya ang Dahilan?

At nang siya ay lumisan na
Ako'y muling kumanta
At hawak ko ang gitara
Inawit ko ang buhay nya

Ako'y nag-iisip
Habang umaawit
Ibig kong tulungan siya
Sa kanyang problema
Subalit ang kailangan niya
Ay ang Ama
Ng kanyang dinadala
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Dahilan Lyrics

Willy San Juan – Dahilan Lyrics