Bagong istorya
Words & Music by
Willy San Juan
& Alexander Lacson

Iisang pamilya
Yan ang Pilipino
Ang Puong Maykapal
Tunay na ginusto
Na magsama-sama tayo
Ikaw man at ako
Yan ang tunay
Na kuwento ng
Pilipino

Koro
Bagong kuwento ng Pilipino
Ipamahagi sa buong mundo
Sama – sama sa pagbabago
Sa Bagong istorya
Ng bagong Pilipino

Kaya ng Pilipino
Maging dakila sa mundo
Ang kapatiran at
Pagmamahalan
Ang tunay na kailangan
Kumilos na't tahakin
Ang tamang paraan
Ikaw ako tayo'y
Magtulungan

Ulitin ang Koro

Ang susi sa tunay at
Ganap na pagbabago
Nagmumula sa puso
At ating isipan
Kumilos na't tahakin
Ang tamang paraan
Ikaw ako tayo
Walang iwanan

Ulitin ang Koro
Correct  |  Mail  |  Print  |  Vote

Bagong Istorya Lyrics

Willy San Juan & Maely Ann – Bagong Istorya Lyrics

More Willy San Juan & Maely Ann lyrics